hindi ko alam kung paano sisimulan ang blog na ito.
matagal tagal na ring naglalaro sa isip ko kung ano nga ba meron ang blog at para pagdiskitahan ng mga tao na isulat ang kanilang mga pananaw,opinyon,paninindigan at minsan pa nga ay ang takbo ng kanilang buhay. parang open diary ang blog dahil s maraming nakakaita at nakakabasa..minsan pa nga ay kinokomentuhan at kung kanikanino na umaabot ang mga post.maraming beses na nga akong nakasaksi ng pag-aaway o pagsasagutan sa mga blog post, minsan naman masaya din kasi nakakapagpalitan ng mga kuro kuro.
marami na rin ang naghihikayat sa akin na mag-blog, masaya daw ito.natututo kang maging bukas sa mga tao at buong pagmamalaking i-share ang mga opinyon o buhay.
sa pagdaan ng mga buwan ay unti unti ko na lamang napansin na nahihilig na akong magbasa ng mga blog. syemps, ang blog ng mahal kong karelasyon, mga blog ng mga kapwa ko aktibista,mga burgis na kaibigan, at higit mga blog ng mga taong di ko kilala.
sa kaduluduluhan, napag isip isp kong subukan ito kahit na hindi ako marunong magsulat (writer). matagal ko nang pangarap ang matutong magsulat. marami akong naiisip na magandang isulat dahil sa mga nababasa ko pero hanggang simula lang at hindi na talaga natatapos.
kaya, hindi ko alam kung kaya kong tuloy tuluyin ang pagsusulat sa blog na ito.siguro ang panimula ay magsulat lang ako ng magsulat ng lahat ng mga gusto kong sabihin...at baka matuto din ako.:)
tutal 2007 na, 2 taon na akong nag-iisp na magsulat sa blog.baka panahon na ito.

0 comments:
Post a Comment